Linggo, Abril 24, 2011

Ang Gintong Aral

Noong unang panahon ay may isang bata na namumuhay nang masaya sa piling ng kanyang ama't ina at ng kanyang ingkong. Ang Ingkong, kahit matanda na, ay malaks pa rin at nakakatulong sa iba't ibang gawain sa bahay. Dumating ang panahong nagbago ang buha ng mag-anak.

Ang Ingkong ay nanging matandang-matanda na at bahagya nang makalakad. Hindi na siya nanginginig at bihirang araw na hindi siya nakakabasag ng pinggan, baso, o ibang kagamitan sa pagkain. Kung kumain ang matanda ay nagkakalat ng maraming mumo sa mesa.

 Napansin ni Jose na nagbabago ang palagay ng kanyang ama't ina sa kanyang ingkong. An g kanyang ama ay galit kung makitang kumakain sa mesa ang matanda. Nakita rin ni Jose na minsan ang kanyang ama ay gumagawa ng isang pinggang-kahoy at maliit na dulang. Noong mga huling araw, ang matanda ay dito kumakain at hindi na kasalo sa mesa.

Dati-rati si Jose ang unang dumudulog sa pagkain. Ngunit ang umagang ito maluwat nang handa ang pagkain ay wala pa si Jose.

"Jose! Jose!" ang tawag ng Ina.
"Po!" ang tugon ng bata.
"Halika at tayo'y kakain na," ang wika ng Ina.

Ngunit si Jose ay hiindi pumanhik. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Dumating ang Ama at dumulong sa mesa.

"Bakit, nasaan si Jose?" ang tanong ng asawa.
"Tinawag ko na siya," ang sagot nito.
"Jose! Jose!" ang malakas na tawag ng Ama na tila galit.
"Ano bang mahalagang bagay na ginagawa mo at hindi mo maiwan?"

At nang hindi rin dumating ang anak ay nanaog ang Ama. Nakita niyang inuukit ni Jose ang kapirasong kahoy.

"Ano ba ang ginagawa mo, Anak?" ang usisa ng Ama.
"Tinatapos ko po lamang itong pinggang kahoy na inuukit ko." ang sagot ng Anak.
"Ano ang gagawin mo sa pinggang-kahoy na iyan?" ang muling usisa ng Ama.
"Pagtanda po ninyo ay dito kayo kakaing tulad ni Ingkong."
"An....!" ang nasabi na lamang ng Ama.

Madaling pumanhik ang Ama at kinuha ang pinggang-kahoy at dulang na kinakanan ng matanda at kanyang sinira. Simula noon ang Ingkong ay kasalo nang muli ng mag-anak sa pagkain. Ang pagtinging ng mag-asawa sa matanda ay naging tulad ng dati at ang lahat ay naging masayang muli.

"Huwag mong gawin sa iyong kapwa ang ayaw mong gawin nila sa iyo," ang minsan ay nasabi ng ama ni Jose sa kanyang asawa.

Sabado, Abril 23, 2011

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang. 

Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa iyo  ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kwento," nadilat ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok.

Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

 Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad."

"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa. 

"Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.

Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isa mahalagang bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap ng liwanag.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak."

Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.